Nag-usap kahapon sa telepono sina Wang Yi, Ministring Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Julie Bishop mula sa Australia, hinggil sa insidente ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Nagpahayag si Wang ng pakikidalamhati at pakikiramay sa mga nasawing pasahero at kanilang mga kamag-anak sa Australia.
Sinabi ni Wang na ang kasalukuyang pangunahing gawain ay pagsasakatuparan ng resolusyon ng UN Security Council bilang 2166 para hanapin ang katotohanan ng naturang trahedya.
Ipinahayag ni Julie Bishop na kinakatigan ng kanyang bansa ang pagsasagawa ng nagsasariling pagsisiyasat na pandaigdig sa insidenteng ito at pagsasakatuparan ng resolusyong bilang 2166.
Nanawagan din si Wang sa mga nagsasagupaang panig ng Ukraine na itigil ang putukan sa lalong madaling panahon para maigarantiya ang maayos na pagsasagawa ng pagsisiyasat.