|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng tanggapan ng punong ministro ng Malaysia na sumang-ayon nang araw ring iyon si Alexander Borodai, Puno ng mga rebelde sa Ukraine, sa pagpasok ng international police sa lugar na pinagbagsakan ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines. Ang misyon ng international police ay pangalagaan ang mga pandaigdig na tagapagsuri.
Ito ay batay sa isang kasunduan na naunang narating ng Malaysia at mga rebelde sa Ukraine.
Ayon pa rin sa pahayag, nakipag-usap kahapon sa telepono si Punong Ministro Najib Razak sa kanyang mga counterpart mula sa Netherlands at Australia. Sang-ayon ang tatlong lider na buong-higpit na magtulungan hinggil sa pagpapadala ng mga pulis sa lugar na pinagbagsakan ng MH17. Bilang bahagi ng international police group, ang unang batch ng mga pulis ng Malaysia ay magtutungo samakalawa, sa Ukraine.
Noong ika-21 ng buwang ito, pinagtibay ng UN Security Council ang Resolusyon Bilang 2166. Hinihiling ng Resolusyon sa lahat ng mga may kinalamang panig na magkoordinahan hinggil sa pandaigdig na imbestigasyon sa trahediyang ito.
Bumagsak ang MH17 noong ika-17 ng buwang ito sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tauhan sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |