|
||||||||
|
||
Hanggang kahapon ng hapon, dahil sa patuloy na palit-putukan ng hukbo ng pamahalaan ng Ukraine at mga rebelde nitong nagdaang weekend, ang mga pandaigdig na dalubhasa ay hindi pa nakarating sa lugar na pinagbagsakan ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines para isagawa ang imbestigasyon. Sa kasalukuyan, istranded sila sa Kharkov, siyudad sa dakong silangan ng Ukraine.
Nakatakdang simulan ng mga dalubhasa ang kanyang imbestigasyon kamakalawa.
Narating ang kasunduan kamakalawa ng Malaysia at mga rebelde ng Ukraine kung saan mapapahintulutang pumasok sa pinagbagsakan ng eroplano ang international police group nang walang sandata at ang mga forensic experts.
Noong ika-21 ng buwang ito, pinagtibay ng UN Security Council ang Resolusyon Bilang 2166. Hinihiling ng Resolusyon sa lahat ng mga may kinalamang panig na magkoordinahan hinggil sa pandaigdig na imbestigasyon sa trahediyang ito.
Bumagsak ang MH17 noong ika-17 ng buwang ito sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tauhan sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |