Bilang tugon sa mga komento ng media na dayuhan hinggil sa mga pagsasanay-militar ng Tsina, sinabi ngayong araw ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Depensa ng Tsina na regular na ensayo ang mga ito at idinaraos ang mga ito taun-taon.
Ipinagdiinan din ni Geng na hindi nakatuon ang mga ito sa anumang bansa o target.
Idinaraos ngayon ng hukbong Tsino ang pagsasanay-militar sa karagatan ng East China Sea at Beibu Bay.
Kaugnay nito, ipinalagay ng isang komentaryo ng Japanese media na ang Hapon ang kunwang target ng Tsina sa pagsasagawa ng mga ensayo.