Dahil sa maigting na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan ng Ukraine at mga armadong tauhan sa paligid ng lugar na pinagbagsakan ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, hindi nakapasok sa lugar na ito ang mga pandaigdig na tagapagsiyasat para alamin ang katotohanan sa likod ng insidente ng pagbagsak ng naturang eroplano.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala kahapon si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations. Sinabi ni Ban na kailangan-kailangan ang patuloy na paghahanap sa mga bangkay ng mga nasawing pasahero at mga mahalagang ebidensiya hinggil sa insidenteng ito.
Kaya nananawagan siya sa dalawang nagsasagupaang panig ng Ukraine na itigil ang pagpapalitan ng putok para makapasok ang mga pandaigdigang tagapagsiyasat sa lugar na pinagbagsakan ng eroplano.
Salin: Ernest