|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag sa social media ng Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE), nakarating kahapon ang apat na pandaigdig na imbestigador sa lugar na pinagbagsakan ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, sa dakong silangan ng Ukraine.
Mula sa Netherlands at Australia ang nasabing apat na imbestigador.
Sinang-ayunan din kahapon ng Ukraine ang pagpapadala ng Netherlands at Australia ng 950 armado at di-armadong tauhan sa lugar na pinagbagsakan para isagawa ang imbestigasyon at tiyakin ang proteksyon ng mga imbestigador.
Nauna rito, dahil sa naiulat na matinding palit-putukan ng tropa ng pamahalaan ng Ukraine at mga rebelde, hindi nakapasok sa lugar na pinagbagsakan ang mga pandaigdig na imbestigador.
Noong ika-21 ng nagdaang Hulyo, pinagtibay ng UN Security Council ang Resolusyon Bilang 2166. Hinihiling ng Resolusyon sa lahat ng mga may kinalamang panig na magkoordinahan hinggil sa pandaigdig na imbestigasyon sa trahediyang ito.
Bumagsak ang MH17 noong ika-17 ng Hulyo sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tauhang sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |