Sinabi kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pamumuhunan ng Tsina sa Aprika ay palagiang alinsunod sa mga prinsipyo na gaya ng pagkakapantay-pantay, katapatan, mutuwal na kapakinabangan, at magkasamang kaunlaran.
Kaugnay ng pananalita ng panig Amerikano na ang pamumuhunan ng Tsina ay hindi makakatulong sa pag-unlad ng Aprika sa hinaharap, sinabi ni Hua na ang pamumuhunan ng Tsina sa Aprika ay bahagi ng mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang panig sa ilalim ng balangkas ng "South-South Cooperation." Ito rin aniya ay gumanap ng positibong papel sa pagpapabuti ng saligang kondisyon ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng mga bansang Aprikano, pamumuhay ng kanilang mga mamamayan, at pagpawi sa kahirapan sa lokalidad.
Bukod dito, sinabi ni Hua na bilang pinakamalakas na bansa sa daigdig, dapat gumanap ang Amerika ng mas malaking papel sa pagpapasulong ng pag-unlad ng mga bansang Aprikano. Umaasa rin aniya siyang obdiyektibong tatasahin ng Amerika ang pag-unlad ng Tsina at pamumuhunan ng Tsina sa Aprika.
Salin: Ernest