Nagpadala ngayong araw sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Jacob Zuma ng Timog Aprika ng mensaheng pambati sa isa't isa bilang pagdiriwang sa pagdaraos ng Taon ng Timog Aprika sa Tsina sa taong 2014 at Taon ng Tsina sa Timog Aprika sa taong 2015.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Xi na mahalaga ang katuturan ng naturang dalawang aktibidad sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at paguunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nakahanda aniya siyang sa pamamagitan ng naturang dalawang aktibidad, patataasin ng Tsina, kasama ng Timog Aprika ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Sa kanyang mensahe naman, hinangaan ni Pangulong Zuma ang progreso ng relasyon ng dalawang bansa nitong ilang taong nakalipas. Umaasa aniya siyang ibayo pang patataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng naturang dalawang aktibidad.