Ipinahayag kamakalawa ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na sa ika-19 ng Agosto, magtutungo siya sa Australia para makipag-usap sa kanyang counterpart mula sa Australia at Tsina, hinggil sa paghahanap sa Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Tinukoy rin ni Liow na hindi magbabago ang kanilang pangako na patuloy hanapin ang nasabing eroplano.
Nauna rito, ipinatalastas ng Malaysia, kasama ang Tsina at Australia, na ang Fugro Survey Pty Ltd (Fugro) ay ginawaran ng kontrata sa patuloy na paghahanap sa MH370 sa southern Indian Ocean, noong ika-6 ng Agosto.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade