|
||||||||
|
||
Noong ika-5 ng buwang ito, ipinalabas ng Hapon ang "Defense White Paper" para sa taong 2014, kung saan nakasaad ang hinggil sa di-umano'y katotohanan sa pagpapalakas ng hukbo ng Tsina, Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea, at di-umano'y "sobrang paglapit sa isa't isa" ng mga eroplanong panagupa ng Tsina at Hapon.
Bilang tugon dito, Ipinagdiinan ni Yang na ang pagpapalakas ng depensa ng bansa at makabagong konstruksyon ng hukbo ay karapatan ng Tsina bilang isang bansang may soberanya. Dagdag pa niya, sa mula't mula pa'y, ang mga aksyon ng tropang Tsino sa may kinalamang rehiyong pandagat ay alinsunod sa pandagidig na batas at regulasyon, at nagiging nagtitimpi. Nitong ilang taong nakalipas, aktibong isinasagawa ng hukbong Tsino ang pagpapalitan sa labas, itinatag ang sistema ng tagapagsalita ng pagbabalita. Walang tigil na nagsisikap ang Tsina para mapalawak ang pagbubukas sa labas.
Tungkol dito, pinuna ng tagapagsalitang Tsino ang "Defense White Paper" ng Hapon. Sinabi niyang ito'y pagwawalang-bahala sa katotohanan. Aniya sa kabila ng pagpapalabas ng Tsina ng maliwanag na katunayan ng pagsasagawa ng mapanganib na aksyon ng mga eroplanong panagupa ng Hapon, hindi ito inamin ng Hapon, at sinabi pang hindi sila nagsagawa ng anumang mapanganib na aksyong nakatuon sa mga eroplanong panagupa ng Tsina.
Sinabi pa ni Yang, na kahit ipinatalastas ng Hapon na nakahanda silang makipagdiyalogo sa Tsina, iginigiit pa rin nila ang maling paninindigan at nagpapalabas ng"alingasngas na umano'y ang Tsina ay banta." Hinihimok ng Tsina ang Hapon na malalim na pagsisihan ang kasaysayang mapanalakay, patuloy na tahakin ang mapayapang landas, sundin ang exclusively defensive policy, at nang sa gayo'y, matatamo nito ang pagtitiwala mula sa mga kapitbansa sa Asya at komunidad ng daigdig, aniya tagapagsalitang Tsino.
salin:wle
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |