Ipinahayag kagabi ni Sun Jiwen, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na dumating na sa Guinea, Sierra Leone at Liberia ang mga makataong materyal mula sa Tsina na nagkakahalaga ng 30 milyong Yuan, RMB.
Sa paliparan ng Sierra Leone
Sinabi ni Sun na ipinalalagay ng pamahalaang Tsino na ang kasalukuyang epidemiya ng Ebola Virus sa mga bansang Aprikano ay nagsisilbing hamon sa larangang di-tradisyonal na seguridad na magkakasamang kinakaharap ng komunidad ng daigdig. Nanawagan aniya ang Tsina na bigyan ng komunidad ng daigdig ang naturang mga bansang Aprikano ng tulong para matapos ang kasalukuyang epidemiya sa lalong madaling panahon.