|
||||||||
|
||
Dumating kahapon sa Monrovia, kabisera ng Liberia ang tatlong-miyembrong grupong medikal ng Tsina para tulungan ang bansang Aprikano sa pagpigil at pagkontrol sa pagkalat ng epidemya ng Ebola virus.
Nauna rito, dalawa grupong medikal na Tsino na kapuwa binubuo rin ng tatlong tauhan ang nakarating ng Sierra Leone at Guinea, dalawang bansang Aprikano na apektado ng Ebola, ayon sa pagkakasunod, para makapagbigay ng katulad na tulong.
Bawat grupong medikal na Tsino ay binubuo ng isang dalubhasa sa nakahahawang sakit at dalawang dalubhasa sa disimpeksyon.
Nakarating din sa mga bansang apektado ang medical supplies mula sa Tsina.
Ipinahayag ng mga opisyal ng World Health Organization (WHO) ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina.
Sinabi ni Dr. Custodia Mandlhate, kinatawan ng WHO sa Kenya na ang karanasan ng Tsina sa panggagamot sa nakahahawang sakit ay makakatulong sa paglaban at pagkontrol sa Ebola virus sa Aprika.
Sinabi naman ni Dr. Jacob Mufunda, kinatawan ng WHO sa Sierra Leone na ang ipinagkaloob na medical supplies ng Tsina ay makababawas sa kakulangan dito ng mga bansang Aprikano.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |