Sa seremonya bilang paggunita sa pagsasarili ng Timog Korea, muling hiniling ngayong araw ni Pangulong Park Geun-hye ng T.Korea sa pamahalaang Hapones na tumpak na pakitunguhan ang kasaysayan at pasulungin ang pagiging malusog ng relasyon ng Timog Korea at Hapon.
Sinabi ni Park Geun-hye na mahabang tradisyon ang pagpapalitang kultural ng Timog Korea at Hapon, at ang pagpapalitang kultural at pag-uunawaan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa ay base sa relasyon ng magkabilang panig. Umaasa ang pamalaan ng Timog Korea na maitatatag ng Hapon ang isang tumpak na pananaw na pangkasaysayan, lalung-lalo na sa isyu ng comfort woman. Maisasagawa ang mabisang mga hakbangin habang buhay pa ang mga biktima, dagdag pa ni Park.