tumawag ng pansamantalang pulong ng gabinete ang pamahalaang Hapones kahapon ng hapon para pormal na pagpasyahang baguhin ang interpretasyong konstitusyonal, at pahintulutan ang pagsasagawa ng collective self-defense kung saan nagbibigay-daan sa paggamit ng sandatahang lakas ng Japanese Self Defense Force (JSDF) sa ibayong dagat.
Ang pag-aalis ng pagbabawal sa collective self-defense ay palatandaan ng malaking pagbabago sa "defense stance" ng Hapon na itinakda ng Pangkapayapaang Konstitusyon nito pagkatapos ng World War II. Kaya, nakatawag ito ng malaking pagkabahala mula sa komunidad ng daigdig.
Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananawagan ang Tsina sa Hapon na totohanang igalang ang pagkabalisa ng mga kapitbansa nito sa Asya hinggil sa kaligtasan at angkop na hawakan ang mga may kinalamang isyu.
Ipinahayag naman ni Noh Kwang-il, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Timog Korea na hinimok ng kanyang bansa ang pamahalaang Hapones na sa isyung pandepensa, dapat magsikap para alisin ang pagkabalisa ng mga kapitbansang dulot ng isyung pangkasaysayan at isagawa ang tumpak na aksyong para makuha ang pagkatiwala ng mga kapitbansa.