|
||||||||
|
||
Ayon sa kanyang coach na si Julius Valdez, "At least nag improve (ang standing) yung nga lang di masyadong impressive para sa akin kasi yung mga practices niya at saka yung last laban niya sa Beijing nag 611 siya doon. Ngayon 605."
Aminado si Celdon Jude Arellano dahil kinabahan siya sa unang string kaya 96.5 lang ang kanyang napuntos. Pero nakabawi naman nang bahagya sa nalalabining rounds: 102.2, 99.9, 102.7, 103,100.7.
Paliwanag ni Valdez na di naka-align sa target si Arellano sa simula at kulang din sa kumpiyansa ang 17 anyos na shooter kaya epektado ang mga tira niya. "Kasi yung first string niya doon siya bumagsak. Mababa yung 96 talagang napakababa. First time niya magscore ng ganun kababa."
Ang kanyang karanasan sa YOG ay tiyak na makakatulong para sa susunod niyang laban. Pagbalik sa Pilipinas magsasanay si Arellano para sa National Open at kapag pinalad diretso na sa Southeast Asian Games.
Sa mga tagasuporta, lubos na nagpapasalamat si Arellano at nangakong pagbubutihin niya pa sa susunod na laban.
Ang Ikalawang Youth Olympic Games sa Nanjing ay may 28 sports at may alok na 222 gintong medalya sa papalaring mga atleta. Unang ginanap ang YOG sa Singapore noong 2010 at nilalahukan ng mga kataang edad 14 hanggang 18 anyos.
Celdon Jude Arellano
Julius Valdez
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |