Inaabangan ngayong araw ang paglahok ng unang Pinoy sa isang medal event sa Ikalawang Summer Youth Olympic Games sa Nanjing, Tsina.
Pumasok si Ava Verdeflor sa finals ng All-Around Women's Gymnastics at susubukin niyang nakasungkit ng medalya para sa bansa.
Si Verdeflor ay nagpakitang gilas nitong lunes sa qualifying ng kanyang event at nakakuha ng 50.200 na score para makapasok sa ika-12 na pwesto. 18 ang gymnasts na lalahok sa finals.
Samantala, bagamat naguna sa kanyang heat kahapon ng umaga sa rekord na 2 minuto 18:96 na segundo, bigo ang swimmer na si Roxanne Yu na makausad sa final ng 200m backstroke.
Bigo rin si Vicky Deldio na huling nakatapos sa triathlon qualifying nitong Linggo.
Ngayong Miyerkules ng gabi sa Nanjing Olympic Stadium, gaganapin din ang qualifying ng Athletics. Sasabak sa Zion Rose Nelson sa Women's 400m bilang kinatawan ng Pilipinas.