|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag kahapon ng Palasyong Pampanguluhan ng Pransiya, sa kanilang pag-uusap sa telepono, ipinahayag ni Pangulong Muhammad Fuad Masum ng Iraq ang suporta sa mungkahi ni Pangulong Francois Hollande ng Pransiya na organisahin ng Pransiya ang Pandaigdig na Pulong hinggil sa Kaligtasan ng Iraq.
Anila, ang layunin ng idaraos na pulong ay bigyang-dagok ang ekstrimistang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Ipinalabas ng Pransiya ang nasabing mungkahi noong ika-20 ng buwang ito.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |