Ipinahayag kamakalawa ni Sun Jiwen, Tagapagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina ang pagdalo ng delegasyong Tsino sa pamumuno ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo, sa serye ng Economic Ministers' Meeting ng Silangang Asya sa Nay Pyi Taw, Myanmar, mula ika-25 hanggang ika-27 ng buwang ito.
Sa pulong, magpapalitan ng kuru-kuro ang Tsina at kanyang mga counterpart hinggil sa relasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN, kooperasyong pangkabuhayan ng Silangang Asya, talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership(RCEP), at kalagayang pangkabuhayan ng rehiyon at daigdig.