Isiniwalat kahapon ng Sekretaryat ng China-ASEAN Expo(CAEXPO) ang pagdalo ng delegasyon ng Singapore sa pamumuno ni Punong Ministro Lee Hsien Loong, sa ika-11 CAEXPO sa Nanning, Tsina. Ang Singapore ay country of honor ng naturang pagtitipon.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Lim Hug Kiang, Ministro ng Kalakalan at Industrya ng Singapore na inaasahan ng kanyang bansa ang ibayo pang pagtutulungan, kasama ng Tsina para pabilisin ang pagtatatag ng integrasyong panrehiyon at maging maginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa.