Isang pagtitipon ng mga mataas na opisyal na namamahala sa ika-11 China-ASEAN Expo(CAEXPO) ang idinaos kahapon sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi. Ipinahayag ni Zheng Junjian, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAEXPO, na palalawakin nito ang nilalaman ng eksposisyon at pabubutihin ang serbisyo sa ika-11 CAEXPO, para maitayo ang bagong plataporma para sa palitang kultural.
Sinabi niyang pahihigpitin pa ng CAEXPO ang kanilang papel sa pagpapasulong ng kalakalan, lalo na sa larangan ng agrikultura, magaan na industriya at kagubatan para maisakatuparan ang nakatakdang target ng dalawang panig na aabot sa 1000 bilyong dolyares ang halagang pangkalakalan sa taong 2020 at 150 bilyong dolyares na karagdagang pamumuhunan sa isa't isa.
Ang ika-11 CAEXPO ay idaraos sa Nanning mula ika-19 hanggang ika-22 ng Setyembre, 2014.