|
||||||||
|
||
NANJING, Tsina--Ipinatalastas kagabi ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC) ang pagtatapos ng Ika-2 Youth Olympic Games (YOG).
Si Bach habang nagtatalumpati
Mga delegasyong pumapasok sa venue habang iwinawagayway ang kani-kanilang pambansang watawat
Fireworks
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Bach ang pasasalamat sa pamahalaang Tsino, Lupong Tagapag-organisa ng Nanjing YOG, at mga boluntaryo.
Mga kinatawan ng mga boluntaryo habang tumatanggap ng bungkos ng bulaklak
Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, lumahok sa seremonya ng pagpipinid si Premyer Li Keqiang.
Mahigit 3,700 atleta mula sa 204 na bansa't rehiyon ang sumali sa iba't ibang laro at aktibidad na hitik sa kultura at edukasyon.
Sa 28 event, may 15 mixed international event na nilakuhan ng mga atleta mula sa magkakaibang bansa.
Sa mixed international event ng archery, ang koponan ng Pilipinas at Tsina na binubuo nina Gabriel Moreno at Li Jiaman ay nakakuha ng medalyang ginto.
Sina Li at Moreno habang binabati ang isa't isa
Sina Li at Moreno sa seremonya ng paggagawad
Idinaos noong 2010 sa Singapore ang unang YOG, at idaraos ang susunod na YOG sa Buenos Aires, kabisera ng Argentina pagkaraan ng 4 na taon.
Pambansang watawat ng Tsina at watawat ng IOC
Mga pambansang watawat ng Tsina at Argentina
Salin: Jade
| ||||
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |