Sa Harcourt, kabisera ng lalawigang Rivers, Nigeria-Isang nahawahan ng Ebola Virus ang natuklasan dito kamakailan. Sumakabilang buhay na ang nasabing biktima. Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa anim ang bilang ng mga patay sa Ebola. Ito ay kinumpirma kahapon ng Awtoridad ng Nigeria.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng awtoridad ng kalusugan ng Amerika ang pagsasagawa ng clinical testing sa paggamit ng isang Ebola vaccine, sa susunod na linggo.
Ayon pa sa World Health Organization (WHO), hanggang noong ika-26 ng buwang ito, 3,069 na kumpirmado at pinagdududahang kaso ng Ebola ang natuklasan sa mga bansa ng Kanlurang Aprika, kabilang ang Guinea, Liberia, Sierra Leone, at Nigeria. Isang libo, limang daan at limampu't dalawa(1552) sa kanila ang sinawaing-palad.