|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng World Health Organization (WHO), ipinahayag nito na sa ilang bahagi ng Nigeria at Guinea, lumitaw ang "encouraging signs" sa kumakalat na kalagayang epidemiko ng Ebola sa rehiyong Kanlurang Aprika.
Ayon sa WHO, ang 12 kumpirmadong kaso ng naturang epidemiya sa Nigeria ay galing sa parehong transmission chain. Hanggang sa ngayon, ganap na narekober ang isang may-sakit ng Ebola sa naturang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |