Pinagtibay kahapon ni Haring Bhumibol Adulyadej ng Thailand ang listahan ng mga miyembro ng Gabinete na inihain ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Pamahalaang Transisyonal.
Ilang opisyal-militar ang hinirang bilang miyembro ng Gabinete.
Si Prawit Wongsuwan, Puno ng Grupong Tagapayo ng Pambansang Konseho sa Kapayapaan at Kaayusan (NCPO) ay hinirang bilang pangalawang punong ministro at ministrong pandepensa. Si Supreme Commander Tanasak Patimapakorn ay manunungkulan bilang pangalawang punong ministro at ministrong panlabas. Si Anupong Paochinda, dating komander ng hukbong panlupa ay hinirang bilang ministro ng suliraning panloob. Si Paiboon Chanhom, Puno sa Batas ng NCPO ay itatalaga bilang ministro ng katarungan. Si Prajin Jantong, dating komander ng hukbong panghimpapawid ay manunungkulan bilang ministro ng transportasyon, samantalang si Narong Pipathanasai, dating komander ng hukbong pandagat ay itatalaga bilang ministro ng edukasyon.
Salin: Jade