Bilang isang bagong panimula sa pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalalan ng Tsina at ASEAN, ipininid noong linggo sa Myanmar ang Economic Ministers' Meeting ng Tsina at ASEAN. Kaugnay nito, ipinahayag ni Gao Hucheng, Ministrong Komersyal ng Tsina at Puno ng delegasyong Tsino sa naturang pulong, na positibo ang mga kalahok sa magkakasamang pagtatatag ng Maritime Silk Road sa ika-21 siglo; at pagdaraos ng talastasan hinggil sa upgrading ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN(CAFTA).
Sinabi ni Gao na ang pokus ng Maritime Silk Road ay kooperasyong pangkabuhayan, at hindi itong dadapo sa larangang militar at panseguridad. Ipinahayag din niyang ang talastasan sa upgrading ng CAFTA ay naglalayong palalimin pa ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa larangan ng kargo, serbisyo, pamumuhunan, kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya. Ito rin aniya ay para sa pagkokompleto ng regulasyong pangkalakalan, pagpapabuti ng kondisyon sa market access, pagtutulungan upang maisakatuparan ang estratehiya ng Maritime Silk Road, at maisakatuparan ang isang trilyong dolyares na trade target ng dalawang panig sa taong 2020. Dagdag pa niya, sinang-ayunan ng mga kalahok ang paglagda sa kasunduang magtatatag sa malayang sonang pangkalakalan ng HongKong at ASEAN.