"Umaasa ang Tsina na isasagawa ng mga may-kinalamang panig ang mga bagay na makakatulong sa pulitikal na paglutas ng kasalukuyang krisis sa Ukraine, sa halip nang pagpapaigting sa salungatan at kalagayang panrehiyon." Ito ang ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon kung dapat isagawa ang ibayo pang pagpataw o hindi ng EU ng sangsyon laban sa Rusya.
Sinabi ni Qin na ang kalutasang pampulitika ang tanging paraan para sa krisis sa Ukraine. Ang sangsyon naman aniya'y magdudulot lamang ng mga di-matatag na elemento at mas masalimuot na kalagayan ng rehiyon.