Sinabi kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na malubhang ikinababalisa ng Tsina ang paglala ng makataong kalagayan sa dakong silangan ng Ukrain. Nanawagan ang Tsina sa komunidad ng daigdig na patingkarin ang konstruktibong papel para mapahupa ang naturang kalagayan.
Kahapon ng hapon, idinaos ng UN Security Council ang pangkagipitang pulong hinggil sa kalagayan ng Ukraine. Sa pulong sinabi ni Liu na kamakailan, lumalala ang armadong sagupaan sa dakong silangan ng Ukraine, walang humpay na lumalala rin ang makataong kalagayan, at malubhang ikinabalisa ng Tsina ito.
Salin:Sarah