|
||||||||
|
||
BEIJING, Xinhua – Kinatagpo kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Abdul Halim Mu'adzam Shah, Kataas-taasang Puno ng Estado ng Malaysia.
Sinabi ni Xi na ang Malaysia at Tsina ay kinakikitaan ng magandang pag-unlad sa kanilang tradisyonal na pagpapalitang pangkaibigan. Maalwan din aniya ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa nitong 40 taong nakalipas, sapul nang itatag ang kanilang relasyong diplomatiko noong 1974.
Ipinahayag din ni Xi ang paniniwalang mapapasulong ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina't Malaysia sa pamamagitan ng pagbisita ni Halim.
Pinasalamatan din ng pangulong Tsino ang kataas-taasang puno ng estado sa mainit na pagtanggap nito sa kanya nang siya ay dumalaw sa Malaysia noong Oktubre, 2013.
Sinabi naman ni Halim na ang pagbisita ni Xi sa kanyang bansa ay nakapagsulong sa relasyon ng dalawang bansa. Ikinalulugod aniya niyang nagkasundo ang dalawang bansa na ibayo pang palakasin ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership sa pagbisita ni Punong Ministro Najib Razak sa Tsina nitong nagdaang Mayo. Ipinahayag din niya ang pag-asang mapapasulong ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina't Malaysia sa pamamagitan ng kanyang pagbisita.
Sa imbitasyon ni Pangulong Xi, sinimulan kamakalawa ni Halim ang pagdalaw sa Tsina. Tatagal ang biyahe hanggang ika-8 ng buwang ito.
Salin: Jade
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |