Inulit kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang determinasyon ng bansa sa pakikibaka laban sa terorismo. Samantala, nanawagan din siya sa pagtalima sa pandagdig na batas at regulasyon, at paggalang sa soberanya, pagsasarli at kabuuan ng teritoryo ng mga bansang tinamaan ng terorismo, habang isinusulong ang pandaigdig na kampanya laban sa terorismo.
Ipinahayag ni Hua ang nasabing paninindigan bilang komento sa pahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika para sugpuin ang Islamic State, na kinikilala rin bilang ISIS at ISIL.
Sa kanyang talumpati kamakalawa, ipinahayag ni Obama na bukod sa Iraq, palalawakin din sa Syria ang air raid ng Amerika laban sa IS.
Ipinahayag naman kahapon ni Ali Haidar, Ministro ng Rekonsilyasyon ng Syria, na ituturing ng kanyang bansa bilang pananalakay ang airstrike na magmumula sa anumang dayuhang bansa kung walang awtorisasyon ang pamahalaang Syriano.
Salin: Jade