|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Ahmad Zahid Hamidi, Ministro ng Suliraning Sibil ng Malaysia na dahil sa di-matatag na situwasyon sa dakong silangan ng Ukraine, ang mga imbestigador na pandaigdig ay hindi pa nakakapasok sa pinagbagsakan ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines. Kasama sa pandaigdig na grupong mag-iimbestiga ay ang misyon mula sa Malaysia.
Nagtungo sa Ukraine kamakailan ang 30-miyembrong grupo mula sa Malaysia para sa ibayo pang pagsusuri sa pagbagsak ng nasabing eroplano. Pero, naroon pa rin sila sa Kiev, kabisera ng Ukraine, hanggang ngayon.
Sinabi ng ministrong Malay na kailangang makapunta ang mga imbestigador sa pinagbagsakan ng MH17 sa loob ng 45 araw bago dumating ang taglamig na magpapahirap sa paghahanap ng mga labi ng eroplano.
Nitong nagdaang Hulyo, dalawang grupo ng mga imbestigador ang naipadala ng pamahalaang Malay sa Ukraine para sa imbestigasyon ng insidente.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong noong ika-17 ng nagdaang Hulyo habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tauhang sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |