Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Bubuksan dito bukas ang ika-11 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS). Sa kasalukuyan, handang handa na ang lahat ng mga gawaing preparatoryo para sa mga nasabing aktibidad.
Hanggang ngayon, ang mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa ay nakapag-aplay na ng 6,009 booths. Ito ay mas mataas ng 30% kumpara sa nakatakdang bilang ng mga booth. Sa katunayan, 4,600 booth ng 2,330 bahay-kalakal ang itatanghal sa gaganaping CAExpo. Kabilang dito, 1,259 booth ay mula sa ibayong dagat na kinabibilangan ng 10 bansang ASEAN.
Salin: Vera