|
||||||||
|
||
Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap kahapon sa Nanning, kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, si Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina sa mga lider ng mga bansang ASEAN na dumalo sa Ika-11 China-ASEAN Expo. Kabilang sa mga ito ay sina Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore, Punong Ministrong Hun Sen ng Cambodia, Pangalawang Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos, Pangalawang Pangulong Nyan Tun ng Myanmar, Pangalawang Punong Ministrong Tanasak Patimapragorn ng Thailand, at Pangalawang Punong Ministrong Pham Binh Minh ng Vietnam.
Sa pakikipag-usap kay Lee Hsien Loong, sinabi ni Zhang na umaasa ang Tsina na magsisikap ang dalawang panig para pasulungin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Lee na nainam ang relasyon ng Tsina at Singapore. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na makisangkot sa proyekto ng paggagalugad sa gawing kanluran ng Tsina.
Sa pakikipagtagpo kay Hun Sen, sinabi ni Zhang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Cambodia, para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng imprastruktura, agrikultura, at iba pa.
Sinabi naman ni Hun Sen ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina. Patuloy aniyang pasusulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Boungnang Vorachith, sinabi ni Zhang na nakahanda ang Tsina na ipagpatuloy ang mataas na pakikipagkoordinasyon sa Laos at pasulungin ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa ibat-ibang larangan.
Sinabi naman ni Boungnang Vorachith, na pasusulungin pa ng Laos ang estratehikong pagtutulungan sa Tsina sa isang mas mataas na antas.
Samantala, nang katagpuin niya si Nyan Tun, sinabi ni Zhang na bilang tagapangulong bansa ng ASEAN, inaasahan ng Tsina na gaganap ang Myanmar ng positibong papel para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig.
Sinabi naman ni Nyan Tun, na positibo ang Myanmar sa pakikipagtulungan sa Tsina, at magsisikap ito para pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN.
Sa pakikipag-usap kay Tanasak Patimapragorn, isiniwalat ni Zhang na positibo ang Tsina, tulad ng dati, sa tradisyonal na pakikipagtulungan sa Thailand. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na pahigpitin ang pagpapalitan sa bagong pamahalaan ng Thailand, at pasulungin pa ang estratehikong partnerhip ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.
Sinabi naman ni Tanasak Patimapragorn, na magsisikap ang Thailand para pasulungin ang pakikipagtulungan sa Tsina at kooperasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Sa pakikipag-usap kay Pham Binh Minh, sinabi ni Zhang na malahaga ang pagpapahigpit ng Tsina at Vietnam ng pagkakaisa, pagtutulungan at magkasamang pag-unlad. Umaasa aniya siyang kakatigan ng Vietnam ang pagkabahala ng Tsina sa mga masusing isyung gaya ng soberanya at kabuuan ng teritoryo, Aniya, dapat magkasamang magsisikap ang Tsina at Vietnam para pasulungin ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.
Sinabi naman ni Pham Binh Minh, na positibo siya sa mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang partido at estado. Nakahanda aniyang magsikap ang Vietnam, kasama ng Tsina, para maayos na hawakan ang mga isyung di-pa nalulutas, para sa ibayo pang pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |