NANNING, Guangxi--Alas-9 ngayong umaga binuksan ang Ika-11 China-ASEAN Expo o CAEXPO na tatagal hanggang ika-19 ng buwang ito.
Lumahok at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina. Dumalo rito ang mga lider ng ASEAN na kinabibilangan nina Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, Pangalawang Punong Ministro Boungnang Vorachith ng Laos, Pangalawang Pangulong Nyan Tun ng Myanmar, Pangalawang Punong Ministro Tanasak Patimapragorn ng Thailand, Pangalawang Punong Ministro Pham Binh Minh ng Biyetnam.
Nagtalumpati rin ang kinatawan mula sa Australia, espesyal na panauhing bansa sa idinaraos na CAEXPO.
Animnapung (60) negosyanteng Pinoy ang kalahok sa kasalukuyang CAEXPO. Si Department of Trade and Industry Undersecretary Nora Terrado ang puno ng delegasyon ng Pilipinas.
Para sa mga ulat hinggil sa delegasyong Pilipino, abangan ninyo ang mga ulat mula kina Mac at Ernest na kasalukuyang nagkokober sa Guangxi.
Salin: Jade