|
||||||||
|
||
Animnapung (60) katao ang bumubuo sa delegasyon ng Pilipinas. At ang bilang na ito ay nagtatampok ng mga datihan at bagong mga exhibitors.
si Arnel Jacildo
Si Arnel at Betty Jacildo ng Jacildo's Handicraft ay anim na beses nang lumahok sa CAEXPO. Bumabalik sila sa Nanning dahil alok nito ang magandang pagkakataon para sa kanilang mga produkto. Ani Arnel Jacildo, ito ay unang hakbang tungo sa mas malaking merkado: "Asya muna dahil pag nag-Europe ka expensive na ang capital. Pero kung nasa Asya kaya ng bulsa. Ok na ko dito saka na ko susulong sa magandang oportunity, susunod na hakbang na."
Sa pamamagitan ng CAEXPO ani Jacildo naipapakita na matiyaga, masikap at magaling tumuklas ng bagay na maipagmamalaki sa buong mundo ang mga Pinoy entrepreneur.
si Ramon Candaza
First-time exhibitor naman si Ramon Candaza. Tampok sa kanyang booth ang mga abaca products mula sa Albay.
Umabot sa Php 150,000.00 ang puhunan niya para makasali sa CAEXPO. At umaasa siyang mauubos ang dala niyang mga produkto. Pero higit dito isa sa kanyang hangad ay makakilala ng buyer ng abaca. "Kasi yun ang kailangan namin sa bayan namin na Sto. Domingo na yung mga worker mabigyan ng trabaho. Kasi kung wala kaming order ang mga weaver- workers wala silang trabaho lalo na ngayon after the typhoon walang trabaho yun. Kaya ako mismo nag-iinsist makapunta sa abroad para makakuha ng investor o buyer."
Sina Terrado at Liu Zhiyong
Dumalaw din sa Philippine Exhibit Hall kahapon si Usec. Nora Terrado, Puno ng Delegasyong Pilipino kasama ni Liu Zhiyong, Pangalawang Tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi.
Sa booth ng Benelco Arts and Crafts pansamantala silang tumigil dahil sa nakakaakit na mga home decors na yari sa preserved flowers. Ipinaliwanag ni Usec. Terrado na ang mga ito ay likha ng mga may-bahay na nagkakaroon ng pagkakataong kumita sa libre nilang oras. Nagpahayag naman ng paghanga ang opisyal Tsino sa malikhain at masining na produktong Pilipino.
Ulat ni Machelle Ramos and Ernest Wang
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |