Idinaos ngayong araw sa Nanning, Kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang Ika-11 China-ASEAN EXPO Round-Table Meeting on Investment Cooperation. Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kinatawan mula sa Tsina at sampung bansang ASEAN hinggil sa konkretong hakbangin sa pagpapasulong ng pagtatatag ng Martime Silkroad para sa ika-21 siglo, tulad ng transnasyonal na kooperasyong pangkabuhayan, pagpapalakas ng pag-uugnayan at transportasyong pandagat, at iba pa.
Tatlong paksa ang tinalakay sa Round-Table Meeting, kabilang ditto ang pagpapasulong ng rehiyonal na economic zone, pagpapalakas ng pag-uugnayan at transportasyong pandagat na nagtatampok sa transnasyonal na kooperasyong pangkabuhayan, at pagtatatag ng pangunahing larangang pangkooperasyon para sa taong 2015, batay sa kasalukuyang bagong kalagayan ng kooperasyong pang-industriya.