Sa Nanning, Rehiyon Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Idinaos dito kahapon ang unang China-ASEAN E-Commerce Summit. Tinalakay ng mga kalahok na opisyal ng departamento ng kalakalan, at kinatawan ng mga e-commerce enterprise ng Tsina at ASEAN ang hinggil sa temang "Transnasyonal na E-Commerce, Matalinong Lunsod, at Internet Economy."
Tinalakay naman ng mga kinatawan ng mga bahay-kalakal ang pagtatatag ng bukas at multi-dimensional na modelo ng multilateral na kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, at pagpapalawak ng tsanel ng pagpasok ng mga bahay-kalakal sa pandaigdigang pamilihan. Ito ay para madaling makuha ng mga mamimili ang impormasyon mula sa ibang bansa, at bumili ng mura't de kalidad na paninda.
Salin: Vera