Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Davao Region. tampok bilang City of Charm ng Pilipinas sa Ika 11 CAEXPO

(GMT+08:00) 2014-09-17 12:08:19       CRI

"From Islands to Highlands" ang kampanyang hain ng Davao Region sa 11th China ASEAN Expo (CAEXPO) na kasalukuyang ginaganap sa Nanning, Guangxi, Tsina.

Ang nasabing rehiyon ang tampok sa City of Charm Philippine Pavillion at naglalayong ipakilala ang mga lugar na panturismo at kaaya-aya para sa pamumuhunan.

Ayon kay Arturo Cruz Dimaano Department Manager ng Creative and Communications Sevices Department ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) ang pabilyon ng Pilipinas ay "intimate, up close and personal presentation. It's modern yet culturally bound." Dagdag niya "You see the colors, the culture of the people and of the place in a modern setting."

Inspirasyon sa disenyo ang Mt. Apo at ang Queen of Philippine Orchids na Waling-waling. Siyempre dahil Davao hindi mawawala ang sikat nitong mga produkto tulad ng suha, mga habi at Tinalak.

Ipinakikilala rin ang samut saring outdoor activities tulad ng mountain climbing na maaaring gawin ng mga kabataang turistang dadalaw sa rehiyon.

Pinasasaya ang atmospera sa pabilyon sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Kaliwat Performing Artists Collective.

Ang Davao Region ay bahagi rin ng Visit Philippines 2015, kampanyang isusulong ng Pilipinas sa One ASEAN sa susunod na taon.

Ulat ni Machelle Ramos kasama ni Ernest Wang

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>