Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Idinaos ang Ika-11 China-ASEAN Expo (CAExpo) mula ika-16 hanggang ika-19 ng kasalukuyang buwan. Ang tema ng ekspo sa taong ito ay Magkakasamang Pagtatatag ng Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo.
Ayon sa isang opisyal ng Tsina, ang pagpapaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan ay preperensyal na katangian ng Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo. Ang pagpapataas ng kalidad at lebel ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) ay nakakapagpasulong sa pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Inaasahan ng mga kalahok na opisyal at mangangalakal mula sa mga bansang ASEAN ang pagsasakatuparan ng updated version ng CAFTA.
Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 CAExpo noong isang taon, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mungkahi ng pagtatatag updated version ng CAFTA. Sa kasalukuyan, simulan na ng dalawang panig ang mga may-kinalamang talastasan.
Salin: Li Feng