Sa panahong idinaraos ang Ika-11 China-ASEAN Expo o CAEXPO, mula ika-16 hanggang ika-19 ng buwang ito, idinaos din ang Unang Forum sa Kalakalan at Komersyo ng Tsina at ASEAN. Tinalakay ng mga kalahok kung papaano mapapaginhawa ang pagkakalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Sa porum, inilahad ni Liu Junchen, Pangalawang Puno ng State Administration for Industry and Commerce ng Tsina, ang hinggil sa kasalukuyang reporma ng bansa sa rehistrasyon ng mga kompanya para mapaginhawa ang kapaligirang pang-negosyo.
Sinabi naman ni Win Myint, Ministro ng Komersyo ng Myanmar, na pinasusulong din ng kanyang bansa ang reporma na katulad ng Tsina para mapasulong ang liberalisasyon ng kalakalan.
Bilang kinatawan ng mga mangangalakal, hiniling ni Ma Yun, Tagapagtatag at Chairman ng Alibaba, e-commerce giant ng Tsina, sa mga kalahok na counterparts at pamahalaan ng Tsina at mga bansang ASEAN, na magkakasamang sirain ang trade barriers para maitatag ang transnasyonal na sistemang pangkalakalan para sa mga bahay-kalakal, lalung lalo na para sa mga small at medium enterprises o SMEs.
Salin: Jade