Idinaos kahapon sa Nanning, Tsina ang Promosyon ng Pamumuhunan ng Malaysia sa Ika-11 na China ASEAN Expo (CAEXPO). Umaasa ang Malaysia na palalakihin ng Tsina ang pamumuhunan sa mga pangunahing rehiyong pangkabuhayan at mahalagang industrya ng kanyang bansa.
Sinabi ni Ahmad Keruddin, Direktor na Tagapagpaganap ng Kawanihan ng Pag-unlad at Pamumuhunan ng Malaysia na lumalalim nang lumalalim ang kooperasyong pangkalakalan ng Tsina at Malaysia. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng ekspong ito, makakaakit ang Malaysia ng mas maraming pamumuhunan mula sa mga bahay-kalakal ng Tsina. Magkakaloob ang Malaysia ng mainam na imprastruktura, bukas na kapaligiran ng kalakalan, at preperensiyal na patakaran ng buwis para sa mga mamumuhunang Tsina, dagdag pa niya.
salin:wle