Sinimulang litisin kahapon sa hukumang lokal ng Tokyo ang kaso ng paglabag sa konstitusyon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon dahil sa kanyang pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine na iniharap ng sibilyang Hapones.
Sa unang debetahan na idinaos nang araw ring iyon, tinukoy ni Chieko Seki, isa sa mga nagsakdal at biktima ng Hiroshima atomic bombing, na kinabibilangan ng pag-aalis ng limitasyon sa karapatan ng Collective Self Defence, nakapinsala ang mga aksyon ni Shinzo Abe sa karapatan ng mga mamamayang Hapones sa mapayapang pamumuhay at ang pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine ay isang kumakatawan sa nasabing mga aksyong lumabag sa konstitusyon.
Noong Abril, 273 kamag-anakan ng mga biktima ng World War II at sibilyang Hapones ang nagsampa ng kaso sa hukumang lokal ng Tokyo na nagsasabing ang pagbibigay-galang ni Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine ay lumabag sa prinsipyo ng pagsasarili ng pulitika at relihiyon na nakapinsala ng karapatan ng mapayapang pamumuhay ng mga mamamayan, kaya, hiniling nila sa hukuman na utusan si Shinzo Abe na agarang itigil ang pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine at magbigay kompensasyon sa mga biktima ng digmaan.