Ayon sa estadistika ng World Health Organization (WHO), hanggang kahapon. 5843 ang kumpirmadong kaso at pinagdududahang kaso, at sa mga ito, 2803 ang namatay dahil sa Ebola epidemic batay sa ulat ng Guinea , Liberia, at Sierra Leone. Ipinahayag kahapon ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na itinayo ng UN ang Ebola Response Multi-Partner Trust Fund para makalap ang halos isang bilyong dolyares nagagamitin sa pagpigil ng pagkalat ng Ebola epidemic.
Nagkaloob kahapon ang China Red Cross ng 50 libong dolyares bilang tulong sa Ghana para labanan ang cholera outbreak sa bansa. At ipinatalastas ni Sun Baohong, Embahador ng Tsina sa Ghana na magbibigay naman ang Tsina ng tulong na materyal na nagkakahalaga ng 5 milyong Yuan RMB sa Ghana para sa pagsugpo ng Ebola epidemic.
salin:wle