Sa punong himpilan ng UN sa New York, nagtagpo kahapon sina David Cameron, Punong Ministro ng Britanya at Hassan Rouhani, Pangulo ng Iran, at ito ay kauna-unahang pagkakataong nagtagpo ang lider ng dalawang bansa nitong 35 taong nakalipas.
Napag-alamang idinaos ang pagtatagpo sa tanggapan ng pirmihang delegasyon ng Britanya sa UN. At pagkatapos nito, nakangiti ang dalawang lider habang kinunan sila ng litratong magkasama.
Sa New York sinimulan muling kamakailan ang talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, nagsasanggunian pa rin ang Amerika, Britanya, Pransya, Tsina, Rusya, Alemanya at Iran hinggil sa pagbuo ng komprehensibong kasunduan ng isyu ng Iran.
Nauna rito, pagkaraang suspendihin ang relasyong diplomatiko ng Britanya at Iran nang mahigit dalawang taon, napanumbalik nila ang relasyong diplomatiko mula noong ika-20 ng Pebrero ng taong ito.