Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-10 Beijing-Tokyo Forum, binuksan

(GMT+08:00) 2014-09-29 15:59:52       CRI

Binuksan kahapon sa Tokyo ang Ika-10 Beijing-Tokyo Forum na may temang "Pagtatatag ng Kapayapaan sa Hilagang-silangang Asya at Responsibilidad ng Tsina at Hapon—Pagtagumpayan ang Kahirapan sa pamamagitan ng Diyalogo."

Mayroon din itong apat na sub-forum na may kinalaman sa pulitika, kabuhayan, diplomasya at kaligtasan, at media.

Mahigit 500 kinatawang Tsino at Hapones mula sa iba't ibang sektor ng dalawang bansa ang kalahok sa porum.

Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Fumio Kishida, Ministrong Panlabas ng Hapon na malaking impluwensiya sa opinyong publiko ang media kaya mahalaga ang katuturan ng porum bilang plataporma ng pagpapalitan ng matataas na opisyal at media ng Tsina at Hapon.

Sinabi ni Cai Mingzhao, Puno ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina, na dahil tinanggihang kilalanin ng puwersang makakanan ng Hapon ang kasaysayang mapanalakay ng bansa, nasasadlak sa deadlock ang relasyong Sino-Hapones. Sa kabila nito, ipinagdiinan niyang kailangang ihiwalay ang mga militaristang Hapones at karaniwang mamamayang Hapones. Ang hindi paglimot sa kasaysayan ay hindi nangangahulungang pagpapatuloy ng pagkapoot, sa halip, ang kasaysayan ay kailangang gawing salamin at tumuon sa hinaharap.

Ang taunang porum na itinatag noong 2005 ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Daily, pinakamalaking pahayagang Ingles ng Tsina at Genron NPO, isang think tank ng Hapon.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>