Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diplomasya ni Pangulong Xi sa mata ng mga dalubhasa: estratehiyang diplomatiko ni Xi sa pamamagitan ng 10 pagdalaw niya sa labas

(GMT+08:00) 2014-10-09 09:25:36       CRI

Ni Yao Yao*

Sa loob ng isa at kalahating taon, sapul nang manungkulan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong Marso, 2013, sampung pagdalaw ang isinagawa niya. Dalawampu't walong bansa ng Asya, Aprika, Europa, Hilagang Amerika at Timog Amerika ang binisita ni Xi.

Ang nasabing mga pagdalaw ay nagpakita ng pagsasayos ng Tsina ng pagkakakilanlan nito sa daigdig. Sa isang banda, kasabay ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, kailangang makipagkoordina ang Tsina sa ibang malalaking bansa para mapahupa ang maling pag-uunawaan sa isa't isa, magkakasamang magtalakayan hinggil sa mga suliraning pandaigdig at isabalikat ang mas maraming responsibilidad na pandaigdig. Sa kabilang banda naman, bilang umuunlad na bansa na may pinakamalaking populasyon, kailangang pawiin ng Tsina ang pagdududa ng mga kapitbansa at iba pang mga umuunlad na bansa, sa pamamagitan ng malinaw na atityud at aktuwal na aksyon.

Noong Marso, 2013, ang Rusya ang naging unang binisitang bansa ni Pangulong Xi. Noong Pebrero, 2014, dumalo si Xi sa seremonya ng pagbubukas ng Sochi Winter Olympics. Ipinakita nito ang mahalagang katuturan ng relasyong Sino-Ruso sa paglikha ng magandang kapaligirang pandaigdig.

Noong Hunyo, 2013, nagkaroon ng di-pormal na miting sina Xi at Pangulong Barack Obama ng Amerika. Ang layunin nito ay itatag ang bagong uri ng relasyong Sino-Amerikano na nagtatampok sa kawalang-alitan, kawalang-komprontasyon, paggagalangan, pagtutulungan at komong pag-unlad.

Noong Marso, 2014, bumisita si Pangulong Xi sa apat na bansang Europeo at nakipagtagpo rin sa mga lider ng Uniyong Europeo. Naglayong itatag ng biyaheng ito ang partnership ng Tsina at Europa na nagtatampok sa kapayapaan, pag-unlad, reporma at sibilisasyon.

Kalahati ng sampung pagdalaw ni Xi ay mga bansang Asyano. Ipinakita nito ang pagpapahalaga ng Tsina sa mga kapitbansa.

Sa kanyang mga talumpati sa iba't ibang bansang Asyano, maraming beses na ipinagdiinan ni Pangulong Xi ang patakarang panlabas ng Tsina sa mga kapitbansa na may katangian ng "pagkakaibigan, katapatan, mutuwal na kapakinabangan at pagiging inklusibo." Ipinahiwatig nito ang tradisyonal na kulturang Tsino na pagbibigay-tulong sa pag-unlad ng iba kasabay ng sariling pag-unlad.

Kasabay nito, ang pagdalaw ni Pangulong Xi sa mga bansa sa Aprika at Latin Amerika ay nagpakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa mga kapuwa umuunlad na bansa.

Noong 1945, narating ng kasunduan hinggil sa Tsina ng Estados Unidos at Soviet Union. Batay sa kasunduang ito, nakapagsagawa ng malayang nabigasyon at kalakalan ang Amerika sa buong teritoryo ng Tsina samantalang nakapagtamasa ng pribilehyo ang Soviet Union sa dakong hilagang-silangan ng Tsina.

Pagkaraan ng ilang taong paglaban, nakahulagpos ang mga mamamayang Tsino sa nasabing pagkontrol ng Amerika at Soviet Union. Noong 1949, naitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay isa sa iilang umuunlad na bansa na nakapagtatag ng pambansang sistemang industriyal.

Kaugnay nito, nangangamba ang ilang taga-Kanluran na ang Tsina ay gagaya sa mga bansang Kanluranin sa ekspansyon pagkaraan ng industrialisasyon ng bansa.

Bilang tugon, sa kanyang talumpati sa Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina noong Disyembre, 2013, inilarawan ni Pangulong Xi ang imahe ng Tsina bilang isang bansang sibilisado, silanganin, responsible at sosyalista.

Noong Hunyo, 2014, bilang paggunita sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Limang Simulain ng Mapayapang Pakikipamuhayan, muli ipinagdiinan ni Pangulong Xi ang community-oriented na pananaw ng Tsina sa daigdig na iba sa mga bansang kanluranin. Binigyang-diin niyang ang komunidad ng daigdig ay nagiging isang komunidad ng komong tadhana o community of common destiny na kinabibilangan ng lahat ng mga bansa. Sa prosesong ito, hindi magiging sustenable ang pag-unlad ng komunidad na ito kung lalaki ang agwat ng mayayaman at mahihirap na bansa. Sa halip, kailangang pasulungin ang komong pag-unlad, at kasabay ng sariling pag-unlad, kailangan ding pasulungin ang pag-unlad ng ibang bansa, para parami nang paraming mamamayan ay makikinabang dito.

*Ang Author ay dalubhasa ng China Public Diplomacy Association

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>