Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Libro sa pangangasiwa ni Xi, pinasinayaan sa Frankfurt Fair

(GMT+08:00) 2014-10-09 09:27:40       CRI

Isang libro hinggil sa pangangasiwa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pinasinayaan kahapon sa Frankfurt book fair.

Mababasa sa libro ang 79 na talumpati at pananalita ni Pangulong Xi mula noong ika-15 ng Nobyembre, 2012 hanggang ika-13 ng Hunyo, 2014. Nahahati ito sa 18 seksyon.

Inilimbag ito sa wikang Tsino, wikang Ingles, wikang Pranses, wikang Ruso, wikang Arabiko, wikang Espanyol, wikang Portuges, wikang Aleman at wikang Hapones.

Sa pasinaya, sinabi ni Mingzhao, Direktor ng State Council Information Office ng Tsina, na sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong Nobyembre, 2012, nagpakita na ang komunidad ng daigdig ng interes sa direksyon ng pag-unlad ng Tsina at impluwensiya nito sa daigdig. Tinukoy niyang ang libro na ito na naglalaman ng kaisipan at praktis ni Xi at liderato ng Tsina ay sumagot sa interes ng komunidad ng daigdig. Nagbukas aniya ito ng pinto sa mga dayuhan para obserbahan at maunawaan nila ang hinggil sa Tsina.

Sinabi naman ni Gerhard Schroeder, dating Chancellor ng Alemanya na nakakatulong ang libro sa pagkakaunawa ng pulitika at reporma ng Tsina sa pamumuno ni Xi.

Sinabi ni Robert Lawrence Kuhn, Tagapangulo ng U.S. Kuhn Foundation, na sumasalamin ang libro ng kaisipan ni Xi bilang isang taong makabayan na ipinagmamalaki ang kanyang bansa.

Kalakip din sa libro ang 45 litrato ni Xi sa iba't ibang yugto ng buhay niya.

Mahigit 400 panauhin mula sa Tsina at Alemanya ang lumahok sa pasinaya.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>