Hinirang kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang tatlong Ebola crisis managers na namamahala sa mga suliranin ng paglaban sa epidemiya ng Ebola sa Guinea, Liberia and Sierra Leone, mga lugar na malubhang naapektuhan ng epidemiyang ito.
Si Marcel Rudasingwa ay hinirang bilang Ebola crisis manager sa Guinea, si Peter Jan Graaff ay hinirang bilang Ebola crisis manager sa Liberia at si Amadu Kamara naman ay hinirang bilang Ebola crisis manager sa Sierra Leone.
Ipinahayag ni Ban na ang naturang tatlong crisis manager ay magkakasamang magsisikap, kasama ng mga pamahalaan ng naturang tatlong bansa para itakda ang mabilis at maayos na katugong aksyon sa krisis ng Ebola virus.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Zsuzsanna Jakab, Direktor ng Tanggapan ng World Health Organization (WHO) sa Europa, na maayos ang mga gawaing paghahanda ng Europa para sa paglaban sa Ebola virus, kaya maliit ang pagkakataon ng pagkalat ng epidemyang ito sa Europa.
Ayon sa datos na ipinalabas kahapon ng WHO, hanggang noong ika-5 ng buwang ito, natuklasan sa Aprika ang 8033 kaso ng nahawahan ng Ebola virus at 3879 sa mga ito ang namatay.