Nanawagan kahapon si Pangulong Barack Obama ng Amerika sa komunidad ng daigdig na pahigpitin ang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya ng Ebola virus.
Sa news briefing nang araw ring iyon sa White House, ipinahayag ni Obama na ang epidemiyang ito ay banta sa pambansang katiwasayan at seguridad na pandaigdig.
Umaasa aniya siyang darami pa ang mga bansang lalahok sa askyon ng paglaban sa naturang epidemiya.
Ipinatalastas din niya na pahihigpitin ng kanyang bansa ang pagsusuri sa mga pasahero na pumapasok sa Amerika para mapigilan ang pagkalat ng Ebola virus sa kanyang bansa.