Sa isang resolusyong pinagtibay kahapon sa Ika-69 na Pangkalahatang Asemblea ng UN, inaprobahan nitong bibigyan ng 50 milyong dolyares na budget ang isang espesyal na grupong ipinadala ng UN laban sa epidemiya ng Ebola sa mga bansang kanlurang Aprikano.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Sam Kahamba Kutesa, Tagapangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng UN na naaapektuhan ng Ebola ang mga bansa sa kanlurang Aprika sa larangan ng kabuhayan, lipunan at seguridad. Ito aniya'y nagsisilbing isang krisis ng rehiyon at daigdig.
Sinabi niyang ang punong himpilan ng naturang grupo ay nasa Ghana, at pumasok na ang grupo sa mga bansang kanlurang Aprikano na kinabibilangan ng Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Ayon sa World Health Organization(WHO), sa kasalukuyan, 7,492 katao ang naiulat na nagkasakit ng Ebola, at 3,439 sa kanila ang nasawi.