|
||||||||
|
||
Mga opisyal ng Pilipinas at Estados Unidos, magpupulong
MAGKAKAHARAP ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Estados Unidos sa Campo Aguinaldo bukas.
Magaganap ito sa Mutual Defense Board-Security Engagement Board meeting hinggil sa mutual security concerns upang makita ang pagtalima ng magkabilang panig sa 63 taong-gulang na Mutual Defense Treaty na nilagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos noong 1951.
Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, pag-uusapan ang mutual defense, maritime security, paglaban sa terorismo, Philippine Defense Reform, Humanitarian Assistance and Disaster Response, civil-military operations, peacekeeping, transnational crimes at cyber security.
Si General Gregorio Pio P. Catapang, AFP Chief of Staff ang mamumuno sa delegasyon ng Pilipinas. Si Admiral Samuel Locklear III, commander ng US Pacific Command ang mamumuno sa delegasyon ng Estados Unidos. Kapwa sila co-chairmen ng Mutual Defense Board.
Dadalo sa pagtitipon ang mga commanding generals ng Philippine Army at Air Force, Flag-Officer-In-Command ng Philippine Navy, Director General ng Philippine National Police at Commandant ng Philippine Coast Guard. Kasama rin ang Executive Director ng Visiting Forces Agreement.
Magkakaroon din ng mga kinatawan ang Departments of National Defense at Foreign Affairs, ang Deputy Commandant ng Philippine Marines at ang Commander ng Special Operations Command.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |